![]()
NANAWAGAN si Senador Sherwin Gatchalian sa Department of Energy at Department of Trade and Industry na pag-aralan ang posibleng pagpapatupad ng price cap sa LPG sa gita ng nakaambang pagtaas ng presyo nito sa mga susunod pang buwan.
Sinabi ni Gatchalian na ianasahang tataas ng P35 hanggang P40 ang presyo ng bawat 11-kilogram ng LPG cylinder pagsapit ng Abril.
Magdudulot anya ito ng mabigat na dagdag pasanin sa mga karaniwang Pinoy at mga maliliit na negosyante.
Binigyang-diin ng senador na mahalagaang tiyakin ng DOE at DTI ang sapat na suplay ng LPG at higpitan ang monitoring sa presyo sa merkado.
Idinagdag pa ni Gatchalian na kung mapatunayang hindi makatarungan ang pagtaas ng presyo, maaaring isaalang-alang ang pagpapataw ng price ceiling bilang hakbang sa pagmamalabi.
Ipinalala ng senador na pinapayagan ang hakbang sa ilalim ng Republic Act 10623 na nag-amyenda sa Price Act o Republic Act 7581.
Layun nitong protektahan ang mga mamimili laban sa hindi makatarungan pagtataas ng presyo sa panahon ng emergency. | via Dang Garcia
