dzme1530.ph

Pagpapatupad ng one strike policy laban sa katiwalian, suportado ng DPWH

Loading

Suportado ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapatupad ng one strike policy at zero tolerance sa mga tiwali at palpak na kontratista.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa flood control projects, sinabi ni DPWH Usec. Maria Catalina Cabral na handa silang suportahan ang anumang hakbang na makabubuti sa ahensya.

Sa ilalim ng one strike policy, sinabi ni Senador Risa Hontiveros na dapat agad tanggalin sa listahan o iblacklist ang mga tiwali at palpak na kontratista.

Sinabi ni Cabral na posibleng maisama sa blacklist ang 15 contractor na sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakakuha ng nasa 20 porsyento ng kabuuang pondo para sa flood control project.

Ito, aniya, ay dedepende rin sa magiging resulta ng ginagawang fraud audit ng Commission on Audit.

About The Author