Ipinagpaliban ng dalawang linggo ng Department of Agriculture (DA) ang implementasyon ng maximum suggested retail price (MSRP) para sa karneng baboy.
Ito’y matapos konsultahin ng ahensya ang iba’t ibang stakeholders, kabilang ang mga opisyal ng agriculture industry, pork producers, retailers, importers, at consumers.
Plano ng DA na magpatupad ng maximum SRP makaraang makatanggap ng reports na umabot na sa ₱450 hanggang ₱480 ang kada kilo ng karneng baboy, na ikinu-konsiderang overpriced.
Inihayag ni Agriculture Spokesperson Arnel de Mesa na kailangang pag-aralan ang gastos ng retailers bago makarating sa mga palengke ang karne.
Idinagdag ni de Mesa na sa kabila ng iba’t ibang expenses, ang kada kilo ng karneng baboy ay hindi dapat umabot sa ₱450 hanggang ₱480. —ulat mula kay Neil Miranda, DZME News