![]()
Hindi pa napag-uusapan sa Malakanyang ang panukalang i-adopt ang 4-day workweek bilang bahagi ng hakbang para makatipid sa enerhiya.
Pahayag ito ni Palace press officer Undersecretary Atty. Claire Castro, bagaman maaring pag-aralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala kung titindi pa ang hidwaan sa pagitan ng Iran at Israel.
Una nang iminungkahi ni Senator Sherwin Gatchalian ang 4-day workweek na may isang araw na work-from-home upang makatulong na maibsan ang pasanin ng publiko sa tumataas na presyo ng langis.
Ang proposal ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Marcos sa government offices at agencies na humanap ng mga paraan para makatipid sa enerhiya, sa gitna ng tensyon sa Middle East na nakaaapekto sa global oil prices.
