dzme1530.ph

Pagpapatupad ng ban sa mga POGO, dapat tiyaking para sa lahat

Pinatitiyak ni Sen. Christopher “Bong” Go na total ban sa mga POGO ang ipatutupad ng mga awtoridad upang matiyak na lahat ng nagbabanta sa peace and order sa bansa ay matatanggal.

Sinabi ni Go na isa siya sa mga indibidwal na sumusuporta sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagbawal na ang lahat ng uri ng POGO.

Samantala, patuloy din ang pag-iikot at pamamahagi ng tulong ni Go sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Carina.

Muli ring iginiit ni Go na napapanahon nang aprubahan ang isinusulong niyang panukala para sa pagtatayo ng Department of Disaster Resilience upang magkaroon ng isang departamentong nakatutok sa pagtugon sa mga kalamidad.

About The Author