Napapanahon at mahalaga para masolusyunan ang learning crisis sa bansa ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act.
Ito ang binigyang-diin ni Senate President Francis Escudero kasabay ng papapaliwanag na sa pamamagitan ng batas ay matutulungan ang mga mag-aaral na nahihirapan sa Pagbabasa, sa Math at Science.
Sa ilalim ng batas, ang mga guro, mga para-teacher at pre-service teachers ay imamandatong magsilbing tutor sa mga targeted learners mula Kindergarten hanggang Grade 10.
Saklaw ng bagong batas ang mahahalagang aralin sa ilalim ng K to 12 basic education na sumasakop sa Math at Science sa Grades 1 to 10 at science sa Grades 3 to 10.
Layun din ng programa na pabillisin ang recovery mula sa mga learning losses dulot ng pandemic.
Makikipagtulungan ang Department of Education sa Commission on Higher Education, Technical Education and Skills Development Authority, Department of Information and Communications Technology, Department of the Interior and Local Government at iba pang stakeholders para sa pagpapatupad ng batas. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News