dzme1530.ph

PAGPAPATULOY NG MGA HAKBANGIN PARA SA PAGPAPABUTI NG KALIDAD NG EDUKASYON SA BANSA, TINIYAK NI PANG. MARCOS JR.

Loading

Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpapatuloy ang mga hakbangin para sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

 

Ito ay makaraang tanggapin ng Pangulo ang final report ng Second Congressional Commission On Education.

 

Naka-detalye sa report ang tatlong taong national assessment sa estado ng edukasyon sa bansa kasama na ang National Education and Workforce Development Plan 2026 to 2035. 

 

Sinabi ng Pangulo na makikita sa report ang kakulangan at kung paano maisasaayos ang educational system.

 

Sinimulan na anya nila sa nakalipas na mga taon ang pagresolba sa learning gaps dulot ng pandemic.

 

Ipinagmalaki pa ng Punong Ehekutibo na ngayong taon ay inilaan nila ang ₱1.3 trillion budget para sa edukasyon.

 

Sa pamamagitan anya ng budget na ito, makapagdaragdag ng mga guro at mababawasan ang kanilang overall workload. 

 

Bukod dito, makakapagpatayo anya ng mga karagdagang classrooms at matututukan ang mga learning recovery sa reading, math at science. | via Dang Garcia

About The Author