dzme1530.ph

Pagpapatuloy ng joint military exercises ng Pilipinas at Australia, tatalakayin sa pagbisita sa bansa ni Australian PM Anthony Albanese

Tatalakayin ng Pilipinas at Australia ang pagpapatuloy ng joint military exercises.

Ito ay sa nakatakdang pagbisita sa bansa ni Australian Prime Minister Anthony Albanese sa Setyembre, para sa pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Sa chance interview sa sidelines ng Amphibious Exercise ng Pilipinas at Australia sa Zambales, inihayag ng Pangulo na pag-uusapan nila ang pagpapatuloy ng mga ganitong uri ng Joint Exercises para mapalakas pa ang military capability.

Iginiit pa ni Marcos na ang magandang koordinasyon lalo na sa militar ay magkakaroon ng malaking multiplier effect.

Inaasahan namang maglalatag ang Australian PM ng mga bagong ideya, istratehiya, at kasunduan, partikular sa mga larangan ng seguridad at depensa.

Sinabi ng Pangulo na bukod sa common concerns ng dalawang bansa ay marami ring Pilipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Australia. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author