Ipinagpatuloy na ang pagtalakay ng bicameral conference committee meeting kaugnay sa panukalang ₱6.352-T 2025 budget.
Pinangunahan nina Senate Committee on Finance Chairperson Grace Poe at House Appropriations Committee Chairman Elizaldy Co kasama sina House Speaker Martin Romualdez at Senate President Francis Escudero.
Bagama’t sinasabing bukas ang pagtalakay sa mga katanungan mula sa mga miyembro ay inaasahang aaprubahan din ang bicam report ngayong umaga.
Ayon naman kay Escudero, mamayang hapon ay raratipikahan ang bicameral conference committee report upang makamit nila ang target na malagdaan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Inaasahang reresolbahin ngayong araw ang isyu sa pagdaragdag ng budget para sa Office of the Vice President at ang pondo kaugnay sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program.
Una nang sinabi ni Poe na isasapubliko ang diskusyon nila ngayong araw na ito. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News