Pina-igting pa ng Armed Forces of the Philippines ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea habang papalapit ang June 15 dealine ng China.
Ayon sa utos ng China sa kanilang coast guard, aarestuhin at ikukulong ang mga dayuhang trespassers sa loob ng 60 araw simula Hunyo 15 na papasok sa inaangkin na karagatan.
Pinaalam na ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinindad ang magaganap sa mga kaalyadong bansa ng Pilipinas.
Sa ngayon, naka handa na ang PH Navy, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at ang iba pang maritime players ng bansa upang pigilan ang anumang aksyon na gagawin ng China sa darating na araw.
Kaugnay nito, pinawi ng PH Navy ang namumuong pangamba ng publiko at tiniyak na walang mangyayaring masama dahil nakahanda ang lahat sa posibleng mangyari.