Target ng Department of Agriculture (DA) na pataasin pa ang lokal na produksyon ng Abaca para mapanatili ng Pilipinas ang pagiging World’s Top Producer ng Abaca Fiber.
Sinabi ng Philippine Fiber Development Authority o PHILFIDA na importanteng ipagpatuloy ang pagsisiyasat ng bagong mga estratehiya upang matugunan ang mga hamon na kasalukuyang kinakaharap ng industriya ng Abaca.
Binigyang-diin ni DA Assistant Secretary Genevieve Guevarra ang kahalagahan ng pagkakaroon ng well-trained at committed Fiber Inspectors na nakatuon sa pagpapatupad ng mga panuntunan, regulasyon, pamantayan kaugnay sa Abaca Agri-practices at Fiber Inspection.
Batay sa datos ng PHILFIDA, ang Abaka ang pangunahing mapagkukunan ng kabuhayan ng mga magsasaka at iba pang manggagawa partikular sa Western Visayas.
—Ulat ni Airiam Sancho