Dapat mas napagtuunan ng pansin ang pagpapasigla ng ekonomiya ng Pilipinas kaysa sa anumang away pulitika.
Ito ang iginiit ni Sen. JV Ejercito makaraang mabahala sa posibilidad na tuluyan na tayong maungusan ng Vietnam.
Base aniya sa datos na nakuha ng senador ay posibleng pumalo sa 8% ang gross domestic product (GDP) ng Vietnam ngayong taon.
Ayon kay Ejercito, kapag nangyari ito ay maaaring ma-reclassify ang Vietnam bilang emerging economy at sa kanila magpuntahan ang mga foreign investments imbes na sa ating bansa.
Kaya naman iginiit ng senador na dapat nang mas pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang pagpapabuti ng ating ekonomiya at paghihikayat sa mga dayuhang mamumuhunan, partikular ng mga imprastraktura at energy sector ng bansa.
Nilinaw ni Ejercito na wala siyang sinisisi o pinapanigan sa tensyon sa pulitika sa bansa.
Subalit nanghihinayang siya sa mawawalang oportunidad sa Pilipinas.