Desperado na ang Bise Presidente Sara Duterte at mga abogadong sumusuporta sa kanya, nang magpasaklolo ito sa Korte Suprema para pigilan ang impeachment trial.
Ayon kay Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales, Jr. desperado dahil pilit nitong hinaharang ang constitutional authority na litisin siya sa mga kasong nakapaloob sa articles of impeachment.
Malinaw umano ang sinasabi ng Konstitusyon, na ang “impeachment ay sole prerogative of Congress.”
Para kay Tingog Rep. Jude Acidre hindi pa man nagsisimula ang trial ay “rattled” na ang Pangalawang Pangulo kaya iba’t ibang political tactics at maneuvering ang ginagawa ng kampo nito.
Kamakailan lang sinabi nito na hinihintay na niya ang impeachment, subalit ngayon ginagamit na nito ang lahat ng “tricks” mapigilan lang ito.
Saad naman ni Deputy Speaker David Suarez, sinusunod ng Kongreso ang due process, subalit ang petisyon ni VP Sara sa Supreme Court ay nagse-set ng “dangerous precedent of judicial overreach” sa purely constitutional process.