dzme1530.ph

PAGPAPASA NG PANUKALA LABAN SA POLITICAL DYNASTY, TARGET BAGO MATAPOS ANG MARSO

Loading

PLANO ni Senate Committee on Electoral Reforms Chairperson Risa Hontiveros na maipasa ang panukala para sa anti- political dynasty bago matapos ang buwan ng Marso.
 
Kanina ay umarangkada ang ikatlong public consultation ng kumite hinggil sa panukala sa Bacolod City, Negros Occidental.
 
Sa legislative calendar hanggang March 20 ang sesyon ng Kongreso bago ang halos dalawang bakasyon.
 
Kung si Hontiveros ang masusunod nais niyang hanggang 4th Civil Degree ang pagbabawal sa political dynasty o sa magkakasunod at sabay-sabay na paghawak ng mga posisyon sa gobyerno. Kasama rito ang mga great grand parents, pinsan at apo.
 
Gayunman maraming bersyon ng panukala ang lumalabas.
 
Pero tiniyak ni Hontiveros na kung sakaling makompromiso ay hindi sila babalangkas ng batas na walang kwenta.

About The Author