dzme1530.ph

Pagpaparusa sa mga employer na hindi susunod sa dagdag sahod, isinusulong sa Senado

Loading

Nagbabala si Sen. Jinggoy Estrada na maaaring maharap sa parusa ang mga employer na hindi tatalima sa dagdag na ₱50 sa arawang sahod ng mga minimum wage workers sa Metro Manila.

Ginawa ni Estrada ang babala sa kanyang inihaing panukala upang matiyak na makakakuha ng disenteng sahod ang mga manggagawa at ipatutupad ng lahat ng mga employer ang dagdag na sahod.

Sa ilalim ng panukala, papatawan ng multang ₱25,000 at pagkakakulong ng isa hanggang dalawang taon ang sinumang employer na hindi susunod sa dagdag na arawang minimum na sahod.

Iginiit ni Estrada na mahalagang magkaroon ng “ngipin” ang batas para matiyak na susundin ito ng lahat ng employer.

Sinabi ng mambabatas na sa kabila ng umiiral na wage orders, marami pa ring hindi sumusunod sa itinatakdang sahod, lalo na sa mga manggagawang nasa informal sector at sa mga contractual.

About The Author