dzme1530.ph

Pagpapapanagot kay VP Sara sa mga umano’y alegasyon laban sa kanya, maaari pang idaan sa ibang pamamaraan

Loading

Iginiit ni Senador Christopher “Bong” Go na marami pang ibang legal na paraan upang papanagutin ang sinumang nagkasala sa bayan, kasama na rito ang Bise Presidente.

Ito’y kasunod ng kanyang boto na i-archive ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Go, nagsalita na ang Korte Suprema at tinukoy ang maling proseso sa isinampang reklamo, kaya’t nararapat lamang aniya na igalang at sundin ang desisyon nito.

Giit pa niya, mas makabubuting magkaisa na lang muna ang bansa at ituon ang atensyon sa pagtulong sa mga kababayan nating sinalanta ng bagyo at habagat.

Sa panig naman ni Sen. Alan Peter Cayetano, nilinaw niyang ang pag-archive ay hindi nangangahulugang tapos na ang isyu.

Ayon sa kanya, maaaring magsampa muli ng impeachment complaint sa susunod na taon, basta’t dumaan sa tamang proseso at panahon, ayon sa umiiral na batas.

About The Author