dzme1530.ph

Pagpapanatili ng tradisyunal na disenyo ng mga jeep, iminungkahi

Iminungkahi ni Agri Partylist Representative Wilbert Lee ang pagpapanatili ng “iconic” look ng mga tradisyunal public utility jeepneys (PUJs) sa bansa.

Ayon kay Lee, dapat manatili ang lumang disenyo dahil bahagi na ito ng kulturang Pilipino. 

Sinabi naman ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Mark Pastor na wala silang nakikitang problema sa mungkahi ng mambabatas basta ito ay pasok sa environmental guidelines o national standard. 

Iginiit din niya na suportado ng ahensya ang locally-made na jeepneys upang matulungan o mabigyan ng oportunidad na makapagtrabaho ang mga Pilipino. 

Samantala, sinabi ni Pastor na sa 48 PUJ manufacturers, 13 dito ang mga Pilipino at  nakadepende sa jeepney cooperative ang desisyon kung sino ang kukunin.

About The Author