dzme1530.ph

Pagpapanatili ng state of public health emergency, suportado ni Sen. Go

Suportado ni Senador Christopher “Bong” Go ang rekomendasyon ng Department of Health (DOH) na huwag munang i-lift ang state of public health emergency dahil sa COVID-19.

Ipinaliwanag ni Go na kung aalisin ang deklarasyon ay maraming mga regulasyon ang maapektuhan kabilang na ang allowance para sa mga healthcare workers gayundin ang death benefits ng mga frontliners na naapektuhan ng virus. 

Una nang sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na kailangang magin ng handa muna ang healthcare system bago alisin ang state of public health emergency. 

Kasabay nito, sinabi ng chairman ng Senate Committee on Health and Demography na dapat ipagpatuloy ng publiko ang pagiging vigilante at patuloy na sumunod sa health protocols.

Muli ring iginiit ng senador ang pagbibigay ng sapat na benepisyo sa mga healthcare workers, nasa pampubliko man o pribadong sektor. —sa ulat ni Dang Garcia

About The Author