dzme1530.ph

Pagpapaliban sa paghahanda sa SONA ng Pangulo, kinatigan

Loading

Nagpahayag ng pagsuporta si Sen. Vicente “Tito” Sotto III sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspindihin muna ang preparasyon sa ika-4 na State of the Nation Address (SONA) upang unahin ang pagtugon sa mga naapektuhan ng malawakang pagbaha.

Sinabi ni Sotto na mahalagang bigyan ng prayoridad sa panahong ito ang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad na ilang araw na ring nahihirapan sa kanilang sitwasyon.

Samantala, sinabi ni Senate Secretary Atty. Renato Bantug na halos wala namang papel ang Senado sa preparasyon para sa SONA ng Pangulo.

Ang ginagawa aniya nilang paghahanda ay para sa maayos na pagbubukas ng sesyon ng Senado sa Lunes.

Una rito, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na nadismaya ang Pangulo nang makita ang ilang kawani ng pamahalaan na mas inaatupag ang pagkakabit ng mga tarpaulin para sa SONA, sa halip na ituon ang atensyon sa pagtugon sa baha at pamamahagi ng ayuda sa mga nasalanta.

About The Author