Kinumpirma ng Bureau of Corrections ang paglaya ngayong araw ni person deprived of liberty (PDL) Jimmy Fortaleza.
Ayon kay BuCor director general Gregorio Pio Catapang Jr. ang paglaya ni Fortaleza ay matapos na pagbigyan ng Muntinlupa RTC ang petition for habeas corpus ng kampo nito.
Ayon kay Catapang, kailangan din nilang abisuhan ang Quad Committee sa naging desisyon ng korte dahil si Fortaleza ay nasa kustodiya ng House of Representatives bilang testigo.
Una nang nag-corroborate ang testimonya ni Fortaleza sa naging pahayag ng 2 PDLs kaugnay ng pagpatay sa 3 Chinese drug lords sa loob ng Davao Penal Colony noong 2016.
Sa 14-pahinang decision ni Presiding Judge General M. Gito ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 ng Muntinlupa, pinagbigyan nito ang inihain ni Fortaleza na petition for Habeas Corpus with Prayer for Computation of Special Time Allowance for Loyalty (STAL).
Bunga nito, si Fortaleza ay entitled sa 4/5 reduction sa 32 taong sentensya sa kaniya.
Si Fortaleza ay unang nahatulan ng reclusion perpetua sa kasong three counts ng murder, bukod sa may kaso rin itong two counts ng arbitrary detention. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News