dzme1530.ph

Pagpapalaya kay dating PDEA agent Jonathan Morales, tinututulan ni Sen. Estrada

Tutol si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa balak ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Ronald “Bato” dela Rosa na palayain na si dating PDEA agent Jonathan Morales

Iginiit ni Estrada na naging paulit-ulit na ang pagsisinungaling na ginawa ni Morales sa pagdinig ng Senado kaya hindi ito dapat palayain.

Hindi anya sapat na naipacontempt at naipakulong ng ilang araw si Morales para ito ay matututo ng leksyon.

Ayon Kay Estrada, papayag lamang siya na makalaya si Morales kapag nakakuha ito ng Temporary Restraining Order (TRO) sa korte at kapag nagsabi na ng katotohanan.

Planong bisitahin ni Estrada si Morales ngayong araw para kausapin at sakaling magsabi na ito ng totoo handa na siyang bawiin ang contempt at payagan na itong makalaya.

Ngayong araw ang huling sesyon ng Senado bago magbreak kaya plano sana ni dela Rosa na pakawalan na ang dating PDEA agent.

About The Author