dzme1530.ph

Pagpapalawig ng LRT 2 East Extension Project, inaprubahan ng NEDA board

Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) board na pinamumunuan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang pagpapalawig ng implementasyon ng P8.41 billion LRT line 2 East Extension Project.

Ito ay kahit na tapos na ang proyekto sa pagbubukas ng Marikina at Antipolo stations, at ito ay nasa full operations na.

Sa 16th NEDA board meeting sa Malacañang na pinangunahan ng pangulo, inihayag ni DOTR Sec. Jaime Bautista na ang extension ay magbibigay-daan sa full disbursement para sa project contractors at consultants, at magtitiyak sa kalidad ng proyekto hanggang sa pagtatapos ng defects liability period sa Disyembre 2024.

Dahil din sa extension ay mababawasan ng 1.3 million ang project cost, at magkakaroon din ng pagbabago sa disenyo.

Mababatid na pina-plantsa rin ang planong pagdaragdag pa ng istasyon sa LRT 2 sa Cogeo, Antipolo City.

About The Author