dzme1530.ph

Pagpapalawig ng healthcare benefits sa mga guro, patuloy na igigiit

Loading

Target pang palawigin ni Sen. Sherwin Gatchalian ang healthcare benefits sa mga public school teachers at non-teaching staff.

Ito ay kasunod ng approval ng Malakanyang sa pagrerelease ng ₱7,000 na medical allowance sa mga kwalipikadong guro sa pampublikong paaralan at mga non-teaching staff.

Sinabi ni Gatchalian na ang pagkakaloob sa kanila ng medical allowance ay paraan ng pangangalaga sa kanilang kapakanan partikular ngayong magsisimula na ang panibagong school year.

Mahalaga aniya ito upang maitaguyod ang kapakanan ng mga guro at mapanatili mataas ang kanilang morale.

Nangako naman ang senador na patuloy na makikipagtulungan sa Department of Education at iba pang stakeholders upang magarantiya ang sapat at nararapat na health care benefits sa ilalim ng ipinapanukala niyang Revised Magna Carta for Public School Teachers.

About The Author