Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na magsisimula na sa Disyembre ang mga plano para sa pagpapalawak ng Passenger Terminal Building (PTB) project ng Laguindingan Airport.
Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, layunin nito na matiyak na ang Laguindingan Airport ay patuloy na mag-aalok ng maayos at komportableng karanasan sa paglalakbay para sa lahat ng pasahero.
Sinabi ni CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo sa pamamagitan ng magpapahusay sa kakayahan ng paliparan ay kakayanin nito ang pagdagsa ng mga manlalakbay.
Sa pagkumpleto ng Innovative Expansion Project ng Laguindingan Airport na inaasahang matatapos sa June 2024 ay magiging 860 mula sa 500 katao ang magiging capacity sa pre-departure terminal.
Dagdag pa ni Tamayo patuloy ang CAAP sa pakipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan pati na rin sa pribadong sektor sa pamamagitan ng Public-Private Partnerships (PPP) upang matiyak ang patuloy sa pagpapabuti at modernisasyon sa mga paliparan sa bansa. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News