dzme1530.ph

Pagpapalawak ng saklaw ng labor laws, iginiit

Hiniling ni Sen. Risa Hontiveros sa gobyerno na palawakin pa ang saklaw ng labor laws sa bansa.

Ito aniya ay upang matiyak na mapangangalagaan ang kapakanan ng labor sector.

Sinabi ng senador na dapat kumilos ang pamahalaan at palawakin ang sakop ng batas paggawa upang sa gayon ay sabay-sabay na uunlad ang lahat ng mga manggagawa, anuman ang raket at estado sa buhay.

Muli ring nanawagan ang senador sa mga employers upang bigyan ng dagdag na proteksyon at benepisyo ang mga delivery riders,  construction workers at mga manggagawa sa sektor ng agrikultura na nakakaranas ng hirap sa trabaho dala ng matinding init ng panahon.

Iginigiit din ng mambabatas ang dagdag na P100 sa arawang minimum na sahod sa mga manggagawa sa private sector, ang Anti-Endo and Contractualization Bill, benepisyo para sa mga freelancers ng gig economy at mas pinalawak na maternity benefit para sa kababaihan sa informal sector.

About The Author