Hinimok ni Sen. Joel Villanueva ang gobyerno na bumuo ng sistema para sa paggamit ng Legal Assistance Fund para sa mga Pinoy na nahaharap sa kaso sa ibayong dagat.
Binigyang-diin ng senador na bilang principal author at sponsor ng Department of Migrant Workers Act, adbokasiya nilang magbigay ng best legal support sa ating mga kababayan na nahaharap sa mga kaso sa ibayong dagat.
Ginawa ni Villanueva ang panawagan kasabay ng pasasalamat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa United Arab Emirates (UAE) kasunod ng paggawad ng pardon sa 143 Filipinos.
Inihain ni Villanueva ang Senate Bill No. 1448 na naglalayong palawakin ang saklaw ng Legal Assistance Fund sa lahat ng proseso ng legal proceeding, kabilang na ang pag-aapela at pagtitiyak na palagiang may tulong sa mga distressed Filipinos sa ibang bansa. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News