Mas maraming investments ang mailalagak sa bansa sa sandaling madevelop ang natural gas industry ng Pilipinas na kinalauan ay magbibigay sa atin ng national energy security, maibaba ang presyo ng kuryente at magkakaloob ng mas marami trabaho sa mga Pilipino.
Ito ang binigyang-diin ni Atty. Gareth Tungol, special legal counsel ni Senador Raffy Tulfo sa pulong ng Senate Committee on Energy Technical Working Group para sa Senate Bill No. 2247.
Layun ng panukala na iniakda ni Tulfo na magkaroon ng komprehensibo at integrated legislative policy para sa mabilis na pag-unlad ng natural gas sector sa bansa.
Iginiit ni Tungol ang pangangailangan ng pagsasabatas ng panukala sa gitna ng pagsisikap na mapalawig ang buhay ng Malampaya gas na nagsusuplay ng 40 porsyento ng natural energy ng bansa simula noong 2001.
Suportado rin ng Department of Energy ang development natural gas industry sa bansa na kinalaunan ay magpapalago sa power generation industry.
Ipinaalala pa ni Tungol na bukod sa mas makakamura sa konsumo ng kuryente sa paggamit ng natural gas, mas makatutulong pa ito sa kalikasan dahil ang paggamit ng coal o uling ay nakakasira sa kapaligiran bukod pa sa makapaagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino ang malalaking korporasyon.