Nag-presenta ng credentials kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Zimbabwe Ambassador to the Philippines Constance Chemwayi.
Sa seremonya sa Malakanyang ngayong araw ng Huwebes, pinuri ng Ambassador ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Zimbabwe, na nagpapalakas sa tinatawag na South-South Cooperation.
Isinulong din nito ang magandang political at economic cooperation ng dalawang bansa.
Umaasa naman ang Pangulo sa pagpapatibay ng 43 taong diplomatic ties ng Pilipinas at Zimbabwe.
Samantala, nag-farewell call din sa Pangulo si outgoing Vietnamese Ambassador to the Philippines Hoang Huy Chung. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News