dzme1530.ph

Pagpapalakas ng seaweed industry, isinulong ng DA Sec.

Isinulong ng Dep’t of Agriculture ang pagpapalakas ng produksyon ng seaweeds sa bansa, sa harap ng malawakang pinsala sa mga pangisdaan sa mga nagdaang taon.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Pre-SONA special briefing, inihayag ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na sa nagdaang tatlo hanggang apat na dekada, naging talamak ang illegal fishing tulad ng dynamite fishing, cyanide fishing, paggamit ng fishing gears na nakasisira sa ilalim ng dagat, at paggamit ng lambat na may maliliit ang mata dahilan para mahuli maging ang mga similya at fingerlings.

Kaugnay dito, isa umano sa mga tinitingnang agarang solusyon ang pagpapalakas ng seaweed industry.

Sinabi ni Laurel na sa loob lamang ng 45-araw ay maaaring magkaroon na ng harvest o ani ng seaweed ang mga mangingisda depende kung angkop ang lugar.

Idinagdag pa ng DA Chief na maganda ang export market ng seaweed.

About The Author