Nanawagan si Sen. Sherwin Gatchalian sa patuloy na aksyon at mas pinalakas na kampanya laban sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) sa gitna ng paggunita ng National Awareness Week for the Prevention of Child Sexual Abuse and Exploitation.
Una nang inihain ni Gatchalian ang resolusyon para magsagawa ang Senado ng imbestigasyon laban sa OSAEC.
Binigyang-diin ni Gatchalian ang pangangailangang palakasin ang mga kasalukuyang hakbangin upang makabuo ng mas ligtas na online environment para sa mga bata at papanagutin ang mga nang-aabuso sa kanila.
Iginiit ng senador ang kahalagahan na matiyak ang sistema para sa proteksyon sa mga bata laban sa pang-aabuso kasama ang reporting, response, prosecution, at rehabilitation sa mga biktima.
Kailangan anyang bigyang-diin ang mas malakas na pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan, law enforcement agencies, at non-government agencies sa pamamagitan ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).