Inilatag ng senatorial bets ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ang kanilang mga programa kasama na ang pagpapalakas ng agrikultura at iba pang programa para sa mahihirap.
Ayon kay dating Sen. Manny Pacquiao, pangunahin niyang isusulong ang kaunlaran sa kanayunan at makamasang mga batas.
Ito ang sinuportahan sa kanya ng mga lokal na lider mula sa Northern at Eastern Samar na sinasabing hudyat ng suporta mula sa grassroots sa Eastern Visayas.
Ayon sa mga lokal na lider, palaging isinusulong ni Pacquiao ang mga programang direktang tumutulong sa mahihirap—mula imprastraktura hanggang edukasyon at kabuhayan at naiintindihan niya ang pangangailangan ng mamamayan.
Ilan sa target ni Pacquiao ang magkaloob ng libreng pabahay para sa mga mahihirap at biktima ng kalamidad, edukasyon at pag-unlad ng kabataan sa pamamagitan ng sports, at paglikha ng kabuhayan at trabaho.
Pangunahing suhestiyon naman ni dating MMDA chairman at Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos ang pagpapaganda at pagsasaayos ng mga kalsada upang mapabilis ang pagbibiyahe ng mga ani ng mga magsasaka.
Nais din niyang isulong ang Land Use Act at ibuhos ang pondo sa farm to market roads.
Habang si dating Senate President Tito Sotto nais na ipaglaban ang panukalang pagbili ng mga lokal na pamahalaan ng 50% ng ani ng mga magsasaka upang matiyak na mayroon na silang pagbebentahan ng kanilang produkto sa maayos na halaga.