dzme1530.ph

Pagpapalabas ng ‘Barbie’, makasasama sa karangalan ng Pinas

Nagbabala si Senador Francis Tolentino na makasasama sa karangalan ng Pilipinas kung papayagan ang pagpapalabas ng pelikulang ‘Barbie’ sa bansa.

Ginawa ni Tolentino ang babala sa gitna nang paninindigan na dapat ipagbawal ang pelikula sa Pilipinas.

Bukod sa masamang epekto sa karangalan ng bansa, iginiit ni Tolentino na magiging kontra rin sa tagumpay ng Pilipinas sa arbitral ruling na kumikilala sa ating soberanya ang pagbibigay-daan sa pelikula.

Sa huli, nasa kamay na anya ng MTRCB kung papayagan ang screening ng pelikula sa bansa.

Samantala, nanawagan naman si dating Senate President Tito Sotto sa mga pulitiko na panoorin muna nang buo ang pelikula bago magkomento sa pagbabawal nito sa bansa.

Matapos panoorin ang pelikula ay inilarawan ito ni Sotto na ‘nice and wholesome’ na may strong lessons.

Naniniwala ang dating senador na may pulitika sa pagbaban ng Vietnam sa pelikula bunsod ng umano’y pagpapakita ng nine dash line ng China. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author