Inendorso ni House Speaker Martin Romualdez sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang agarang pagpapalabas ng 150-M pesos financial assistance sa mga biktima ng pagbaha sa Davao Region.
Ang 150-M pesos ay financial aid mula sa DSWD sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS Program.
Kasabay nito, magkatuwang na kumilos ang Speaker’s Office at Tingog Partylist ni Rep. Yedda Marie Romualdez at Rep. Jude Acidre gamit ang kanilang personal calamity funds sa pagpapadala ng 21,000 food packs sa mga apektadong pamilya.
Bukod pa diyan, tumulong din ito sa pag-facilitate ng 30,000 food packs na mula sa DSWD.
Sinabi ni Romualdez na patuloy silang naghahanap ng maipapadalang tulong lalo na sa mga residente ng Davao Oriental.
Siniguro ni Romualdez na hindi sila magpapaapekto sa anomang political noises, lalo na sa ganitong sitwasyon na marami ang nangangailangan ng tulong dahil sa kalamidad.
–Sa panulat ni Ed Sarto, DZME News