dzme1530.ph

Pagpapakilala ni Mayor Alice Guo bilang Pilipino, malaking insulto sa mga residente ng Bamban, Tarlac

Maituturing na malaking insulto sa mga botante ng Bamban, Tarlac ang pagpapakilala ni suspended Mayor Alice Guo bilang isang tunay na Pilipino.

Ito ang binigyang-diin ni Sen. Risa Hontiveros matapos kumpirmahin ng National Bureau of Investigation na nagmatch ang fingerprints ng alkalde at ng Chinese na si Guo Hua Ping.

Bukod sa mga botante ng Bamban, pang-iinsulto rin anya ito sa institusyon ng gobyerno at sa bawat mamamayang Pilipino.

Idinagdag ng senador na ito na ang pinakamabigat na ebidensya para palayasin na sa puwesto ang lokal na opisyal.

Gayunman, sinabi ni Hontiveros na hindi dito nagtatapos ang lahat dahil magpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon at hahalukayin ang lahat ng krimeng kinasangkutan ni Guo Hua Ping na dapat lamang niyang panagutan.

About The Author