dzme1530.ph

Pagpapakalat ng China ng kasinungalingan sa insidente sa West Philippine Sea, binatikos

Loading

Kinondena ni Sen. Risa Hontiveros ang China dahil sa umano’y pagpapakalat ng disinformation kaugnay ng kamakailang banggaan ng mga barko sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Hontiveros na sa halip na akuin ang responsibilidad, tinatakpan pa ng China ang nangyari sa pamamagitan ng propaganda.

Kahiya-hiya umano ang nangyaring banggaan ng kanilang mga barko, kaya kung ano-anong propaganda na lang ang pinapakalat.

Binaligtad pa aniya ng China ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagbibintang sa Pilipinas na sinadya nitong magpasimula ng insidente at dapat pang magbayad.

Binigyang-diin ng senadora na ang China ang dapat magbayad ng danyos dahil sa pinsalang idinulot nito sa karagatan ng Pilipinas

Ipinapaalala ni Hontiveros na dati na siyang naghain ng Proposed Senate Resolution No. 369 upang singilin ang China ng halos ₱20 bilyon bilang kabayaran sa pagkasira ng kapaligiran, at muli niya itong ihahain sa ika-20 Kongreso.

Dagdag pa niya, dapat magsama-sama ang mga bansang kapareho ng paninindigan ng Pilipinas upang papanagutin ang China sa patuloy nitong agresyon at panlilinlang sa West Philippine Sea.

About The Author