dzme1530.ph

Pagpapakain sa mga supporter sa campaign rallies, bawal, ayon sa Comelec

Loading

Ipinaalala ng Comelec sa mga kandidato at political parties na bawal ang pagbibigay ng pagkain o inumin sa kanilang mga supporter sa campaign sorties.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na bagaman naaawa sila sa mga dumadalo sa kampanya, ay nakasaad sa batas na bawal ang pagpapakain, at dapat itong sundin ng mga tumatakbo sa eleksyon.

Idinagdag ni Garcia na wala silang magagawa dahil kahit matagal nang batas ang 1985 Election Code, ay kailangan pa rin itong sundin.

Samantala, pinapayagan naman ang pagtanggap ng campaign souvenirs, gaya ng ballers, sombrero, at T-shirts, basta ipinagpaalam ng mga kandidato sa Comelec ang pamamahagi ng items.

About The Author