dzme1530.ph

Pagpapaigting ng mga programa kontra Dengue, ipinanawagan

Hinimok ni Senate Committee on Health Chairman Christopher Bong Go ang lahat ng lokal na pamahalaan, pribadong sektor at mga komunidad na dapat paigtingin ang pagtutulungan laban sa tumataas na kaso ng dengue sa bansa.

Ayon kay Go, dapat maging alerto ang lahat at sama-samang kumilos upang maiwasang magkaroon ng Dengue outbreak sa bansa.

Sa record ng DOH, umabot na sa 67,874 ang Dengue cases mula Enero hanggang Mayo, 2024.

Kabilang sa mga may mataas na kaso ay ang Quezon City at bahagi ng Western Visayas.

Iginiit ni Go na ang pinakamaganda pa ring gawin ay magpatupad ng preventive measures at gawin ang 4-S strategy laban sa dengue.

Ito ay ang Search and Destroy sa mosquito breeding places; Secure self-protection mula sa kagat ng lamok; Seek early consultation pag may sintomas ng dengue at Say yes to fogging.

About The Author