Inalmahan ni Sen. Imee Marcos ang plano ng National Economic Development Authority (NEDA) na ibaba ang taripa ng imported na bigas, karneng baboy at iba pang produkto.
Sa rekomendasyon ng NEDA, ibaba sa 15% ang taripa sa bigas mula 35%.
Sinabi ni Marcos na ayaw nya sanang palaging nagiging kontrabida subalit hindi anya masisikmura ang naturang aksyon.
Sinabi ni Marcos na sa pagbaba ng taripa ay lalamunin ng imported na produkto ang mga palengke kaya’t nakakapag-alala kung paano na ang kalagayan ng mga magsasaka.
Tanong pa ng senador kung inuudyukan ba ng gobyerno ang mga magsasaka na magpakamatay na lang.
Idinagdag pa ng mambabatas na hindi na njya maintindihan ang mga ganitong aksyon at kung nakukuha pa ba ito sa pagdarasal.