dzme1530.ph

Pagpalaot sa WPS, ligtas na naisagawa ng mga mangingisdang Pinoy sa kabila ng fishing ban ng China

Ligtas na naisakatuparan ng mga mangingisda sa Zambales ang pagpalaot sa West Philippine Sea, sa kabila ng ‘unilateral’ fishing ban ng China.

Ayon kay PAMALAKAYA Zambales Coordinator Joey Marabe, maluwalhating nakabalik sa dalampasigan ang nasa 20 bangka matapos matagumpay na naisagawa ang sama-samang pangingisda.

Sinabi naman ni PAMALAKAYA National Vice Chairperson Ronnel Arambulo, na walang presensya ng mga Tsino nang isagawa nila ang ekspedisyon, 30 nautical miles mula sa baybayin ng Luzon.

Binigyang diin din ni Arambulo na ipagpapatuloy pa rin ng mga mangingisdang Pinoy ang pagpalaot sa West Philippine Sea upang masuportahan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya, sa kabila ng mga pananakot ng China.

About The Author