dzme1530.ph

Pagmamadali ng kamara sa sinusulong na Cha-Cha, ‘di maintindihan ni SP Zubiri

Hindi umano maintindihan ni Senate President Juan Miguel Zubiri kung bakit minamadali ng kamara ang senado na aksyonan ang mungkahing amyendahan ang 1987 constitution.

Ito ay kasunod ng naging pahayag ni House Committe on Constitutional Ammendments chair Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na dapat hindi isantabi ng senado ang inisyatibo ng House of Representatives para sa Charter Change matapos umanong maaprubahan nang may ‘overwhemling votes’ at nangangailangan ng ‘urgent attention.’

Ayon kay Zubiri, nagtataka siya sa kung ano ang nangangailangan ng ‘urgent attention.’ Aniya, hindi naman kasama sa inilatag na priority measures ng LEDAC ang pag-amyenda sa umiiral na konstitusyon.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Rodriguez na nakatakdang magkaroon ng pagdinig sa Senado sa Lunes.

Sabi ni Rodriguez, inimbitahan siya ng kaniyang counterpart sa senado na si Senador Robinhood Padilla para talakayin ang nilalaman ng Resolution of Both Houses (RBH) 6 na nagpapatawag ng Con-Con.

About The Author