dzme1530.ph

Pagluluwag ng patakaran sa importasyon, dapat temporary lang —Sen. Pimentel

Umaasa si Senate Minority Leader Koko Pimentel na pansamantala lang ang  pagluluwag sa proseso ng importasyon ng mga agricultural products.

Ipinaliwanag ni Pimentel na sa halip na importasyon, dapat pa ring unahin ang pagtitiyak na mapalalago ang lokal na produksyon na kayang suplayan ang pangangailangan ng bansa.

Aminado naman amg senador na sa ngayon ay mahirap iwasan ang pag-aangkat mg produkto dahil sa kakulangan ng suplay sa merkado.

Subalit hindi anya dapat magpatuloy ang pagdepende natin sa importasyon at dapat magpatupad ng mga hakbangin na mapalakas ang local production.

Kaya dapat anyang suportahan ng pamahalaan ang mga magsasaka at mangingisda dahil sila ang mga tunay na bayani ng bansa.

About The Author