dzme1530.ph

Paglulunsad ng National Fiber Backbone project, pinangunahan ni PBBM

Pinangunahan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglulunsad ng Phase 1 ng National Fiber Backbone project na layuning mapabilis pa ang internet connection sa bansa lalo na sa mga probinsya.

Sa kanyang talumpati sa launching ceremony sa Pasay City, binigyang-diin ng Pangulo na ang digitalization ay nananatiling isang top priority ng administrasyon, sa harap ng pagnanais ng publiko sa mabilis, reliable, at abot-kayang internet services.

Sinabi ng Pangulo na ang internet ay nagsisilbi nang backbone ng kalakalan, komunikasyon, at mga transaksyon, kaya’t napakahalaga nito sa paglago ng ekonomiya at pagsulong ng bansa.

Ang NFBP ang kauna-unahang gov’t-owned national fiber backbone sa bansa na may habang 1,245 kilometers mula Laoag, Ilocos Norte hanggang Roces District sa Quezon City, at mayroon itong inisyal na 600gbps optical spectrum capacity na inaasahang magagamit ng 14 na lalawigan sa Luzon, dalawang national gov’t data centers, at apat na BCDA ecozones.

Magagamit din ito ng 346 national at local gov’t offices at sa mahigit 3,000 free Wi-Fi sites, at nakikitang lilikha ito ng P145-M na savings o matitipid na pondo kada taon.

About The Author