dzme1530.ph

Paglobo ng bilang ng mga biktima ng Human Trafficking sa unang 2 buwan ng taon, ikina-alarma ng DOJ

Ikinabahala ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla ang pagdami ng biktima ng human trafficking sa unang dalawang buwan ng 2023, na halos katumbas na aniya ng bilang ng mga biktima sa buong taon ng 2022.

Ayon kay Remulla, umabot sa 2K ang trafficking victims na nailigtas ng pamahalaan noon lamang Enero at Pebrero.

Ginawa ng kalihim ang pahayag kasunod ng inter-agency meeting on trafficking na ipinatawag ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasama ang iba pang mga ahensya.

Bunsod aniya nito ay magpapatupad sila ng mga hakbang laban sa trafficking na tinatawag nilang modern-day slavery.

Kasabay nito ay pinayuhan ni Remulla ang publiko na mag-ingat, lalo na sa mga alok na trabaho sa abroad, at alamin kung legit ang kanilang papasukan.

About The Author