Inaasahan ng Department of Transportation (DoTr) na lalago pa rin ang bilang ng airline passengers sa kabila ng pagtaas ng airport fee sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Naniniwala ang DoTr na hindi iindahin ng mga biyahero ang dadag singil kapalit ng mas maginhawang paglalakbay.
Kumpiyansa si Transportation Sec. Jaime Bautista na hindi maaapektuhan ng maliit na increase ang tourist arrival sa bansa.
Tataas ang passenger service charge sa susunod na taon, alinsunod sa Administrative Order (AO) ng Manila International Airport Authority.
Ipatutupad ito ng New NAIA Infrastructure Corp., ang grupo na nag-take over sa operasyon at maintenance ng main gateway ng bansa. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera