Dinepensahan ng Office of the Solicitor General sa Supreme Court ang paglipat ng pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa National Treasury.
Sa oral arguments, ipinaliwanag ni Solicitor General Menardo Guevarra na ang fund transfer ay temporary measure upang matugunan ang availability ng pondo para sa mahahalagang programa at proyekto ng pamahalaan.
Tiniyak din ni Guevarra sa Kataas-taasang Hukuman at sa taumbayan, na taliwas sa pinalulutang ng ilang kritiko, walang maitim na plano sa likod ng paglipat ng ₱60-Billion na fund balance mula sa PhilHealth patungong Treasury.
Hiniling din ng SolGen, bilang procedural matter, na alisin ang pangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga respondent, dahil sa immunity from suit ng chief executive.