dzme1530.ph

Paglipat ng online gaming sites link sa ibang mobile apps, ikinabahala ni Sen. Tulfo

Loading

Ikinatuwa ni Sen. Erwin Tulfo ang pagsunod ng e-wallet firms sa 48-oras ultimatum ng Bangko Sentral ng Pilipinas na alisin ang mga link ng online gambling sites sa kanilang mobile applications.

Gayunman, binigyang-diin ng senador na hindi dapat dito matapos ang aksyon ng Senado dahil natuklasan niyang lumilipat na ang mga gambling operators sa iba pang apps tulad ng Viber, Telegram, at Lazada.

Isa sa mga paraan ay ang pagbebenta ng vouchers sa Lazada na maaaring gamitin bilang credits para makapaglaro sa kanilang platform.

Giit ni Tulfo, malayo pa ang laban kontra online gambling at kinakailangan ng mas malawak na solusyon para mabawasan ang accessibility nito sa publiko.

About The Author