dzme1530.ph

Paglilipat sa 4 na foreign air carrier mula NAIA T1 sa T3, naging matagumpay

Naging matagumpay ang unang araw ng paglilipat sa apat na Foreign Airlines mula NAIA terminal 1 sa NAIA terminal 3, ngayong araw.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) kabilang sa nailipat ay ang Golf Air, Thai Airways, Ethiopian, at Jeju Air.

Ito ang nakikitang paraan ng ahensya para mabalanse ang bilang ng mga pasahero lalo na’t patuloy na dumadagsa ang mga manlalakbay at halos decongested na ang terminal 1 dahil inilipat na din dito ang Philippine Airlines mula sa terminal 2.

Tiniyak naman ng MIAA sa Media Affairs Division na maglalaan sila ng mga shuttle bus para sa mga pasahero sakaling maligaw ang mga ito sa pupuntahang terminal. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author