dzme1530.ph

Paglilipat ng pamamahala ng lahat ng kulungan sa BJMP, lusot na sa Senado

Inaprubahan na ng Senado ang panukalang ilipat ang pangangasiwa ng mga provincial jails sa Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) mula pamamahala ng mga lokal na pamahalaan.

Sa botong 19 na senador ang pumabor, walang tumutol at walang nag abstain, naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill 2352 na naglalayong matugunan ang congestion sa mga kulungan sa bansa.

Alinsunod sa panukala, may tatlong taon ang mga provincial government upang iturn over sa BJMP ang kontrol sa mga provincial jails.

Sa ngayon, ang mga city, district at municipal jails lang ang hawak ng BJMP.

Sa loob ng tatlong taong transition period, ang mga provincial government ay magbabayad pa rin para sa pagkain, at water expenses ng kanilang mga kulungan at mga detainees.

Habang ang pangangasiwa, kontrol at pamamahala ng mga provincial at sub provincial jails ay ililipat na sa BJMP.

Ayon sa sponsor ng panukala na si Senate Committee on Public Order chairman senador Ronald Bato dela Rosa, layun nitong itaguyod ang uniformity sa pangangasiwa ng mga kulungan para mapanatiling ligtas ang mga persons deprived of liberty (PDL) at mabigyan sila ng pagkakataon na makapag bagong buhay.

About The Author