dzme1530.ph

Pagliligtas sa siyam pang seafarer na hawak ng Houthi rebels, pinatitiyak sa gobyerno

Loading

Pinaalalahanan ni Sen. Sherwin Gatchalian ang gobyerno na tiyakin ang lahat ng hakbang para mailigtas ang siyam na Filipino crewmen na hawak pa ng Houthi rebels.

Sinabi ni Gatchalian na hindi na dapat patagalin pa ang pagkakabihag sa mga seaman.

Ginawa ng senador ang pahayag matapos ang kumpirmasyon ni Department of Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac na siyam pa ang kasamahan ng mga nakaligtas sa MV Eternity C ang hawak pa rin ng mga rebelde.

Iginiit ni Gatchalian ang pangangailangang mas maging aktibo ang DMW at Department of Foreign Affairs sa diplomatic efforts, at makipagtulungan sa mga kaalyadong bansa at international partners para sa agarang aksyon.

Muli ring kinondena ng senador ang pag-atake sa mga seafarer, na aniya’y hindi katanggap-tanggap at naglalagay sa panganib sa mga Pilipinong marangal na nagtatrabaho sa delikadong sitwasyon.

About The Author