dzme1530.ph

PAGLIKHA NG CRISIS COMMITTEE, NAPAPANAHON NA

Loading

NAPAPANAHON ang isinasapinal na pagbuo ng Malakanyang ng crisis committee.

 

Ito ang iginiit ni Senador Sherwin Gatchalian at Erwin Tulfo sa gitna ng patuloy na tensyon sa Middle East.

 

Sinabi ni Gatchalian na crucial sa panahong ito ang crisis committee dahil nagbabanta sa pang araw araw na pamumuhay ng mga Pilipino ang kawalang katiyakan sa supply at presyo ng produktong petrolyo

 

Kailangan na anyang mag adopt ang pamahalaan ng whole of govt approach para matiyak ang matatag ng supply ng petrolyo.

 

Ito ayon kay Gatchalian ang dahilan bakit inihain nya ang senate resolution number 335 na naglalayong magtatag ng isang interagency task force na tatalakay at tututok sa energy security issue ng bansa sa gitna ng patuloy na gulo sa Middle East

 

Sinabi naman ni Tulfo na mahalaga ang paglikha ng crisis committee upang matugunan ang epekto ng kaguluhan.

 

Dapat anyang magpalabas na ng Executive Order hinggil dito habang may nakabinbin na panukala sa senado na naglalayong lumikha ng ahensya na tututok sa pagtiyak ng sapat na supply ng produktong petrolyo at pagkain sa bansa

About The Author